Ano Ano Ang Bumubuo Sa Pamahalaan

Ano ano ang bumubuo sa pamahalaan

Answer:

Ang isang lokal na pamahalaan o pamahalaang pampook (Ingles: local government) ay isang uri ng pampublikong pangangasiwa na, sa nakararaming mga konteksto, umiiral bilang pinakamababang antas ng pangasiwaan sa loob ng isang estado. Ginagamit ang termino upang ihambing sa mga tanggapan sa antas ng estado, na tinutukoy bilang pamahalaang sentral, pamahalaang pambansa, o (kung naaangkop) pamahalaang pederal at gayon din sa pamahalaang supranasyonal na tungkol sa mga institusyong pampamahalaan sa pagitan ng mga estado. Pangkalahatang kumikilos ang mga lokal na pamahalaan sa mga kapangyarihang ipinagkatiwala sa kanila ng batas o mga direktiba ng mas-mataas na antas ng pamahalaan. Sa mga bansang pederal, karaniwang binubuo ang lokal na pamahalaan ang ikatlo (o minsang ikaapat) na antas ng pamahalaan, samantalang sa mga pinag-isang estado (unitary state), karaniwang nasa ikalawa o ikatlong antas ng pamahalaan ang lokal na pamahalaan, kadalasang may higit na kapangyarihan kaysa mas-mataas na antas ng mga dibisyong pampangasiwaan.

Ang tanong ng awtonomiyang pangmunisipyo (municipal autonomy) ay isang napakahalagang tanong sa pampublikong pangangasiwa at pamamahala. Ang mga institusyon ng lokal na pamahalaan ay naiiba nang husto sa pagitan ng mga bansa, at kahit may katulad na mga kaayusan, kadalasang naiiba ang terminolohiya. Kabilang sa karaniwang mga pangalan para sa mga entidad ng pamahalaang pampook ay estado, lalawigan, rehiyon, departamento, kondado, prepektura, distrito, lungsod, township, bayan, boro, parokya, munisipalidad, shire, nayon, at distrito ng lokal na paglilingkod.


Comments

Popular posts from this blog

Bakit Pinagpupunit Ng Kura Ang Aklat Ng Gulong Ng Kapalaran

Isa Sa Mga Dahilan Kung Bakit Maraming Kabataan Ang Naliligaw Ng Landas Ay Ang Pagkakaroon Ng Sirang Pamilya. Ano Ang Ipinahihiwatig Ng Pahayag?, A. M

"Ano Ang Naglalarawan Sa Pinakmahalagang Paraan Ng Pagtitipid?A. Maging Mapagkumbaba At Matutong Makuntentob. Maging Mapagbigay At Matutong Tumulongc.