Bakit Pinagpupunit Ng Kura Ang Aklat Ng Gulong Ng Kapalaran
Bakit pinagpupunit ng kura ang aklat ng gulong ng kapalaran
Noli Me Tangere
Kabanata 24: Sa Kagubatan
Sa kabanatang ito ay piangpupunit ng kura ang akalat ng gulong ng kapalaran sapagkat ayon sa kaniya ang paniniwala sa aklat na ito ay isang malaking kasalanan sapagkat ang mga nilalaman nito ay puro kasinungalingan. Sa ginawang ito ni Padre Salvi ay nagalit si Albino at sinabi na mas malaking kasalanan ang pakikialam sa gamit na hindi naman niya pagmamay ari. Hindi tumugon si Padre Salvi sa sinabing iyon ni Albino at sa halip ay tumalikod at patuloy na naglakad pabalik ng kumbento.
Maya maya pa ay dumating ang apat na gwardya sibil at ang kanilang sarhento upang dakpin si Elias na siyang nanakit kay Padre Damaso. Nagalit sila kay Ibarra sa pag-aanyaya at pagkupkop kay Elias na ayon sa kanila ay isang masamang tao. Pero, sumagot si Ibarra at sinabing walang sinuman ang maaring makialam sa mga taong kanyang inaanyayahan sa piging kahit na sino pa ito. Ginagulad ng mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin si Elias na umano ay nagtapon din sa labak sa alperes. Ngunit sa kasamaang palad ni bakas ni Elias ay wala silang nakita. Nagpasya ng umalis sa gubat ang mga dalaga at binata sapagkat unti-unti ng lumalaganap ang dilim sa paligid. Magtatakipsilim na.
Read more on
Comments
Post a Comment